LISTAHAN
LISTAHAN

Paanyaya ng Diyos sa Handaan

Su, 18 Jan 2026 • Pastor Rhee, Yo-han
Matthew 22:1~14
1 Si Jesus ay muling nagsalita sa kanila sa mga talinghaga, na sinasabi,
2 "Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari na nagdaos ng isang handaan para sa kasal ng kanyang anak na lalaki.
3 Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa handaan ng kasalan; ngunit ayaw nilang dumalo.
4 Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin, na sinasabi, 'Sabihin ninyo sa mga inanyayahan?? Narito, naihanda ko na ang aking handaan; pinatay na ang aking mga baka at matatabang hayop at handa na ang lahat. Halina kayo sa handaan ng kasalan.'
5 Ngunit hindi nila ito pinansin, at sila'y humayo, ang isa'y sa kanyang sariling bukid, ang isa'y sa kanyang pangangalakal.
6 Hinuli naman ng iba ang kanyang mga alipin at ginawan ng masama at pinagpapatay.
7 Kaya't nagalit ang hari. Sinugo niya ang kanyang mga hukbo, pinuksa ang mga mamamatay-taong iyon, at sinunog ang kanilang lunsod.
8 Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga alipin, 'Handa na ang kasalan, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan.
9 Kaya pumunta kayo sa mga pangunahing lansangan at anyayahan ninyo sa handaan ng kasalan ang sinumang makita ninyo.'
10 Lumabas ang mga aliping iyon sa mga lansangan, at tinipon nila ang bawat matagpuan nila, masama man o mabuti; kaya't napuno ng mga panauhin ang kasalan.
11 "Ngunit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, may nakita siya roong isang tao na hindi nakadamit pangkasal.
12 Sinabi niya sa kanya,'Kaibigan, paano ka nakapasok dito na hindi nakadamit pangkasal?' Ngunit hindi siya nakapagsalita.
13 Kaya't sinabi ng hari sa mga lingkod, 'Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas. Doon ay ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.'
14 Sapagkat marami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili."
Matthew 22:1-14
Kopyahin


Isang Handog na Buháy na Kasiya-siya sa Diyos
26.4.12 Romans 11:35~12:2 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Daan tungo sa Kapahingahan at Kaginhawahan
26.4.5 Isaiah 28:9~13 Pastor
Isabuhay natin ang Pag-ibig ng Panginoon
26.3.22 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Gising na Buhay Cristiano
26.3.15 Ephesians 5:14~17 Pastor Rhee, Yo-han
Tinanggap Ninyong Walang Bayad, Ibigay Ninyong Walang Bayad
26.3.8 Matthew 10:8 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Sigaw ng mga Bulag
26.3.1 Matthew 20:29~34 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Pagdurusa at Kaluwalhatian ni Cristo
26.2.22 Romans 8:16~18 Pastor Rhee, Yo-han
Katuwiran ng Tao at Biyaya ng Diyos
26.2.15 Matthew 20:1~16 Pastor Rhee, Yo-han
Halikayo, Tayo'y Lumakad sa Liwanag ng Panginoon
26.2.8 Isaiah 2:5~8 Pastor
Kayamanan at Buhay na Walang Hanggan
26.2.1 Matthew 19:16~29 Pastor Rhee, Yo-han
Ang Nakatagong Kayamanan sa Bukid
26.1.25 Matthew 13:44~53 Pastor Rhee, Yo-han
Naglo-load...
Pinoproseso...
Nagpapadala...
Naghahanap...